日本でのにんしん
  • Home
    • 相談先
    • 避妊
    • 妊娠したかも
    • 妊娠と仕事
    • 妊娠と学校
    • 妊娠出産の費用
    • 在留資格
    • 中絶
    • 赤ちゃんポスト
    • 技能実習生の話
    • 留学生の話
    • リンさんは無罪
    • 寄付のお願い
    • 書籍紹介
  • Tiếng Việt
    • Nơi Tư Vấn (consultation)
    • Phòng tránh thai (contraception)
    • Mang thai (pregnant)
    • Mang thai và làm việc (work)
    • Mang thai và trường học (school)
    • Chi phí (expense)
    • Tình trạng lưu trú (status)
    • Bỏ thai (abortion)
    • Hộp thư trẻ sơ sinh (babay hatch)
    • Câu chuyện của thực tập sinh kỹ năng(実習生)
    • Mang thai và trường học (student)
  • English
    • Consultation
    • Contraception
    • might be pregnant.
    • pregnancy and work
    • pregnancy & school
    • expenses for childbirth
    • status of residence
    • abortion
    • Baby Hatch
    • Technical Intern Trainee
    • international student
    • Ms.Linh is not guilty
  • नेपाली
    • परामर्श Consultation
    • गर्भनिरोधन Contraception
    • गर्भवती हुन सक्छ pregnant
    • काम work
    • विद्यालय school
    • खर्चहरु expenses
    • निवासको स्थिति status
    • गर्भपतन abortion
    • शिशु पोस्ट baby hatch
    • टेक्निकल इंटर्न ट्रेनी Trainee
    • अन्तर्राष्ट्रिय विद्यार्थी student
  • 中文
    • 信息咨询
    • 避孕
    • 怀孕
    • 工作
    • 学校
    • 怀孕和分娩的费用
    • 在留资格
    • 流产
    • 婴儿信箱
    • 技能实习生
    • 留学生
  • Filipino
    • KONSULTASYON
    • Kontrsepsiyon
    • Maaaring nagdadalang-tao(pregnant.)
    • Ang pagbubuntis at ang trabaho (work)
    • Ang pagbubuntis at and pag-aaral(school)
    • Mga gastos sa panganganak(expenses)
    • Katayuan ng paninirahan(visa)
    • Pagpapalaglag(abortion)
    • Baby Hatch (Tag)
    • Technical Intern Trainee
    • internasyonal na estudyante
    • Walang kasalanan si Ms. Linh
  • Indonesia
    • Konsultasi (Consultation)
    • Kontrasepsi (Contraception)
    • Mungkin sedang hamil (might be pregnant.)
    • Kehamilan dan Pekerjaan (work)
    • Kehamilan dan Sekolah (school)
    • Biaya Persalinan (expenses)
    • Status Izin Tinggal (status)
    • aborsi (abortion)
    • Kotak Pos Bayi (BabyHatch)
    • Pemagang Kerja Teknis (TIT)
    • Pelajar Internasional (international student)
    • Linh Tidak Bersalah
  • မြန်မာဘာသာ
    • တိုင်ပင်ဆွေးနွေးရန်နေရာ(Consultation)
    • ကိုယ်ဝန်မရအောင်တားဆီးခြင်း(contraception)
    • ကိုယ်ဝန်ရှိကောင်းရှိနေလိမ့်မယ်(pregnant)
    • ကိုယ်ဝန်ဆောင်ခြင်းနှင့် အလုပ်ပါလုပ်နေ&#
    • ကိုယ်ဝန်ဆောင်ခြင်းနှင့် ကျောင်းပါတက်န&#
    • ကိုယ်ဝန်ဆောင်ခြင်းနှင့် မီးဖွားခြင်းအ&#
    • နေထိုင်ခွင့်အမျိုးအစား/အခြေအနေ(status)
    • ကိုယ်ဝန်ဖျက်ချခြင်း(abortion)
    • ဘေဘီပို့စုတို (baby hatch)
    • နည်းပညာအလုပ်သင်များ၏ပြောပြချက်(TITP)
    • ကျောင်းသားများ၏ပြောပြချက်(student)
    • လင်းစံသည် အပြစ်မရှိပါ (Mr.Linh)
  • Home
    • 相談先
    • 避妊
    • 妊娠したかも
    • 妊娠と仕事
    • 妊娠と学校
    • 妊娠出産の費用
    • 在留資格
    • 中絶
    • 赤ちゃんポスト
    • 技能実習生の話
    • 留学生の話
    • リンさんは無罪
    • 寄付のお願い
    • 書籍紹介
  • Tiếng Việt
    • Nơi Tư Vấn (consultation)
    • Phòng tránh thai (contraception)
    • Mang thai (pregnant)
    • Mang thai và làm việc (work)
    • Mang thai và trường học (school)
    • Chi phí (expense)
    • Tình trạng lưu trú (status)
    • Bỏ thai (abortion)
    • Hộp thư trẻ sơ sinh (babay hatch)
    • Câu chuyện của thực tập sinh kỹ năng(実習生)
    • Mang thai và trường học (student)
  • English
    • Consultation
    • Contraception
    • might be pregnant.
    • pregnancy and work
    • pregnancy & school
    • expenses for childbirth
    • status of residence
    • abortion
    • Baby Hatch
    • Technical Intern Trainee
    • international student
    • Ms.Linh is not guilty
  • नेपाली
    • परामर्श Consultation
    • गर्भनिरोधन Contraception
    • गर्भवती हुन सक्छ pregnant
    • काम work
    • विद्यालय school
    • खर्चहरु expenses
    • निवासको स्थिति status
    • गर्भपतन abortion
    • शिशु पोस्ट baby hatch
    • टेक्निकल इंटर्न ट्रेनी Trainee
    • अन्तर्राष्ट्रिय विद्यार्थी student
  • 中文
    • 信息咨询
    • 避孕
    • 怀孕
    • 工作
    • 学校
    • 怀孕和分娩的费用
    • 在留资格
    • 流产
    • 婴儿信箱
    • 技能实习生
    • 留学生
  • Filipino
    • KONSULTASYON
    • Kontrsepsiyon
    • Maaaring nagdadalang-tao(pregnant.)
    • Ang pagbubuntis at ang trabaho (work)
    • Ang pagbubuntis at and pag-aaral(school)
    • Mga gastos sa panganganak(expenses)
    • Katayuan ng paninirahan(visa)
    • Pagpapalaglag(abortion)
    • Baby Hatch (Tag)
    • Technical Intern Trainee
    • internasyonal na estudyante
    • Walang kasalanan si Ms. Linh
  • Indonesia
    • Konsultasi (Consultation)
    • Kontrasepsi (Contraception)
    • Mungkin sedang hamil (might be pregnant.)
    • Kehamilan dan Pekerjaan (work)
    • Kehamilan dan Sekolah (school)
    • Biaya Persalinan (expenses)
    • Status Izin Tinggal (status)
    • aborsi (abortion)
    • Kotak Pos Bayi (BabyHatch)
    • Pemagang Kerja Teknis (TIT)
    • Pelajar Internasional (international student)
    • Linh Tidak Bersalah
  • မြန်မာဘာသာ
    • တိုင်ပင်ဆွေးနွေးရန်နေရာ(Consultation)
    • ကိုယ်ဝန်မရအောင်တားဆီးခြင်း(contraception)
    • ကိုယ်ဝန်ရှိကောင်းရှိနေလိမ့်မယ်(pregnant)
    • ကိုယ်ဝန်ဆောင်ခြင်းနှင့် အလုပ်ပါလုပ်နေ&#
    • ကိုယ်ဝန်ဆောင်ခြင်းနှင့် ကျောင်းပါတက်န&#
    • ကိုယ်ဝန်ဆောင်ခြင်းနှင့် မီးဖွားခြင်းအ&#
    • နေထိုင်ခွင့်အမျိုးအစား/အခြေအနေ(status)
    • ကိုယ်ဝန်ဖျက်ချခြင်း(abortion)
    • ဘေဘီပို့စုတို (baby hatch)
    • နည်းပညာအလုပ်သင်များ၏ပြောပြချက်(TITP)
    • ကျောင်းသားများ၏ပြောပြချက်(student)
    • လင်းစံသည် အပြစ်မရှိပါ (Mr.Linh)
Search by typing & pressing enter

YOUR CART

Gusto Kong Magsilang, Ngunit Kailangan Ko Bang Tumigil Sa Aking Trabaho o Paaralan?

ANG PAGDADALANG-TAO, PAGSILANG, AT PAGTATRABAHO
ANG PAGDADALANG-TAO, PAGSILANG, AT PAG-AARAL

Ang Pagdadalang-tao at Pagsilang at Trabaho

Ipinagbabawal ng batas ng Japan ang isang kumpanya na tanggalin ang mga empleyado nito o tratuhin sila nang hindi maganda dahil sa pagdadalang-tao o panganganak. Mayroon ding mga batas na nagpoprotekta sa mga manggagawa na nagdadalang-tao at mga manggagawang bagong panganak. Kahit na ang isang dayuhang technical intern trainee ay magdalang-tao, siya ay protektado sa ilalim ng batas na ito.
(Tignan sa pahina 29 ng Technical Intern Training Program Booklet. www.otit.go.jp/notebook/)

Kung ikaw ay sapilitang pinapaalis sa sang kumpanya, o kaya’t pinapauwi sa iyong sariling bansa, mangyaring kumunsulta agad.
 

Ang Equal Employment Opportunity Law ay may ilang mga itinatakda para sa kalusugan ng mga ina.
Ang mga kumpanya ay dapat maglaan ng oras para sa mga manggagawang nagdadalang-tao na makatanggap ng mga prenatal checkup.

Ang dami ng beses na dapat magpasuri para sa pagbubuntis, sa kalusugan, atbp:

Sa panahon ng pagdadalang-tao:
Isang beses bawat 4 na linggo hanggang sa ika-23 linggo ng pagbubuntis
Isang beses bawat 2 linggo mula sa ika-24 linggo hanggang sa ika-23 linggo ng pagbubuntis
Isang beses kada linggo pagkatapos ng 36 na linggo ng pagbubuntis hanggang sa panganganak

Pagkatapos ng panganganak (sa loob ng 1 taon pagkatapos ng panganganak):
Ayon sa mga tagubilin ng iyong doktor.


Kung ang isang buntis o bagong panganak na manggagawa ay binigyan ng mga espesyal na tagubilin ng isang doktor, ang kumpanya ay kailangang baguhin ang kanilang trabaho nang naaayon, alinsunod sa mga tagubilin ng doktor.
Mga bagay na maaaring hingin na pagbabago ng mga manggagawa:
  • Ang pag-commute papunta sa trabaho sa panahon ng pagbubuntis (pagbabago o pagpapaikli ng oras ng trabaho)
  • Tungkol sa mga pahinga sa panahon ng pagbubuntis (katulad nang pagpapahaba ng oras ng pahinga at/o dagdagan ang bilang ng mga pahinga)
  • Ayon sa mga sintomas sa panahon ng pagbubuntis o pagkatapos ng panganganak (paglilimita sa trabaho at/o pagkuha ng bakasyon)

Pagbabawal sa hindi mabuting pangangasiwa dahil sa pagbubuntis, panganganak, atbp.
Hindi dapat tanggalin o tratuhin ng mga kumpanya ang mga manggagawa nang masama dahil sa mga dahilan tulad ng pagdadalang-tao, panganganak, o pagliban sa trabaho bago o pagkatapos ng panganganak.
 
Mga halimbawa ng pangangasiwa na itinuturing na hindi kanais-nais:
  • Pagpapatalsik
  • Sapilitang pagbibitiw sa tungkulin
  • Hindi pag-renew ng kontrata sa pagtatrabaho
  • Pagbaba ng pinakamataas na limitasyon sa bilang ng mga pag-renew ng isang kontrata sa pagtatrabaho kung ito ay itinakda
  • Pagbabago ng regular na empleyado patungo sa mga hindi regular na empleyado tulad ng mga part-time na manggagawa
  • Pag-uutos ng hindi kanais-nais na kusang pananatili sa loob ng bahay.
  • Ang pagbawas sa suweldo

Kung ikaw ay nakararanas ng anumang hindi magandang pangangasiwa dahil sa iyong pagbubuntis o panganganak, mangyaring kumunsulta agad. Maaari ka ring sumangguni sa Employment Environment and Equal Opportunity Office ng iyong lokal na prefectural labor bureau.
Listahan ng mga lokasyon ng Employment Environment and Equality Department (Opisina):https://www.mhlw.go.jp/content/000177581.pdf(Japanese)


Ang Labor Standards Act ay nagtatatag ng ilang pinakamababang pamantayan upang protektahan ang mga kababaihan sa panahon ng pagbubuntis at panganganak
  • Kung ang isang babae ay inaasahang manganak sa loob ng 6 na linggo (o 14 na linggo para sa maraming pagbubuntis) at humiling ng maternity leave, hindi siya maaaring pagtrabahuhin ng kumpanya. Hindi rin maaaring pilitin ng kumpanya ang isang babae na magtrabaho sa loob ng 8 linggo pagkatapos ng panganganak. (Tandaan: kung ang babae ay gustong magtrabaho at nasa ika-6 na linggo pagkatapos ng panganganak at aprubado ito ng kaaiyang doktor, maaaring ilagay ng kumpanya ang kanyang trabaho sa isang posisyon na hindi makakasama sa kanyang kalusugan.)
  • Kung humiling ang isang nagdadalang-tao, dapat siyang ilipat ng kumpanya sa mas magaan na tungkulin.
  • Hindi maaaring payagan ng kumpanya ang mga buntis o bagong panganak na kababaihan na gumawa ng trabahong nakakapinsala sa pagbubuntis, panganganak, o pagiging magulang.
  • Kung humiling ang isang manggagawang buntis o isang bagong panganak na manggagawa, hindi dapat puwersahin ng kumpanya ang manggagawa na magtrabaho nang lampas sa mga oras na itinakda ng batas.
  • Kung humiling ang isang manggagawang buntis o isang bagong panganak na manggagawa, hindi dapat puwersahin ng kumpanya ang manggagawa na mag-overtime o magtrabaho sa holiday o sa gabi.
  • Ang mga babaeng nagpapalaki ng isang bata na wala pang 1 taong gulang ay maaaring humiling ng hindi bababa sa 30 minuto ng oras ng pangangalaga sa bata dalawang beses araw-araw.
  • Ang mga kumpanyang hindi sumunod sa mga batas na ito ay parurusahan ng pagkakakulong ng hanggang anim na buwan o multang hindi hihigit sa 300,000 yen.
 
Ang mga batas na ito ay nakasulat din sa website ng Ministry of Health, Labor and Welfare. (Japanese)
https://www.mhlw.go.jp/bunya/koyoukintou/seisaku05/01.html
 

Ang pagdadalang-tao ay naglalagay ng mabigat na pasanin sa isip at katawan ng isang babae. Kung ikaw ay nagdadalang-tao at masama ang pakiramdam, kumunsulta sa iyong doktor upang ipaalam sa kumpanya na isaayos ang nilalaman at dami ng trabaho. Upang maipabatid ang mga nilalaman ng patnubay ng doktor sa kumpanya, maaari mong hilingin sa doktor na sumulat ng isang "Maternal Health Maintenance Information Card".

Maaari kang mag-click sa ibaba upang basahin ang tungkol sa mga karanasan ng isang technical intern trainee na nanganak at kumuha ng maternity leave mula sa kanyang kumpanya.
ANG KWENTO NG ISANG TECHNICAL INTERN TRAINEE NA NANGANAK SA JAPAN
Kung hindi makukumpleto ng isang technical intern trainee na nagdadalang-tao ang pagsasanay na dati niyang isinasagawa, maaaring hilingin ng trainee sa nangangasiwa na organisasyon na baguhin ang technical intern training plan.

Kung ang isang technical intern trainee ay hindi kayang makapagpatuloy ng pagsasanay dahil sa panganganak, ang technical intern training ay maaaring pansamantalang masuspinde. Habang pansamantalang suspendido ang pagsasanay, ang relasyon sa trabaho sa kumpanya ay dapat manatiling patuloy. Bago pansamantalang suspindihin ang programa, hilingin sa nangangasiwa na organisasyon na magsumite ng "Notification of Difficulty in Implementing Technical Intern Training “技能実習実施困難時届出書 ginojisshu-konnanji-todokedesho” (sa kadahilanang maternity leave o panganganak) sa OTIT. Gayundin, hilingin sa kumpanya na magsagawa ng mga alituntunin tulad ng maternity leave. Maaari mong ipagpatuloy ang teknikal na pagsasanay pagkatapos makakuha ng maternity leave.

HINDI mo kailangang huminto sa iyong trabaho kahit na ikaw ay nagdadalang-tao ka. Kung kailangan mo ng tulong at nakikitungo sa hindi patas na pagtrato at isang nakaplano o hindi planadong pagbubuntis, mangyaring kumonsulta sa amin!
MAKIPAG-UGNAYAN SA AMIN
のシステムを使用 カスタマイズできるテンプレートで世界唯一のウェブサイトを作成できます。